Tanan.
For me, hindi magandang act ang PAGTATANAN lalo na kung mga bata pa lang kayo, hindi lang ang mga magulang niyo ang mahihirapan, mas lalo kayo, hindi na kayo makakapag aral, paano ang future niyo? paano kung dumating kayo sa panahon na magsawa na lang kayo bigla sa isa’t isa? Wag kayo magmadali, dahil kung kayo..kayo talaga. Wag lang yung puro sarili niyo ang iniisip niyo, isipin niyo naman yung mga magulang niyo na nagpapakahirap para lang pag aralin kayo.. Tumanaw naman kayo ng utang na loob. Hindi naman sa sinasabi ko na dapat bayaran niyo yung ginastos nang mga magulang niyo sa inyo, sabi nga ng stepdad ko obligasyon ng magulang ang bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak pero after non, wala nang obligasyon ang mga anak para suklian yon, nasa kanila na yon, kung tatanaw sila o hindi na.


